Kasama ate ng GF ko part2 - VivaPromax

Kasama ate ng GF ko part2

Ang nakaraan…

 

Matapos kong makatanggap ng tawag mula sa gf ko na dalhan ng pagkain at gamot ang ate niyang ay sakit. Niyaya nya akong mag stay muna sa kanilang bahay. Hindi ko din alam bakit hindi ako nag dalawang isip na pumayag sa request ng ate ng gf ko.

 

———-

 

“Sige.”

 

Ana tanging nasagot ko sa ate ng gf ko nung sya ay nag insist na mag stay muna ako.

 

“Sure ka ha? Salamat!”, nakangiti nyang sabi sa aking pagpapaunlak.

 

“Oo naman.”, sagot ko. “Di ka naman na din naiba sa akin. Syempre ate ka ng gf ko. Tsaka sabi ko nga di pa naman sigurado kung matutuloy kami ng mga kaibigan ko.”, dagdag ko sa aking sagot.

 

Pero sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Di ko alam bakit gusto nya akong mag stay. Di rin naman kami ganun ka close sa isa’t-isa kaya di ko din alam kung anong sasabihin o ikukuwento ko sa kanya.

 

“Bahala na.”, yan nalang nalang nasabi ko sa sarili ko.

 

“Sabayan mo na kaya ako kumain?”, yaya nya habang papunta sya sa kusina.

 

“Kumain na ako bago pumunta dito e.”, agad kong sagot sa paanyaya nya.

 

Parang nadismaya sya nung tumanggi akong kumain at biglang tumahimik. Habang pinapanuod ko syang kumuha ng mga plato at kubyertos, napansin kong meron syang pilit inaabot pero sadyang nahihirapan sya dahil medyo mataas ang pagkakalagay ng bagay na inaabot nya.

 

Dali-dali ko siyang pinuntahan para tulungan.

 

“Tulungan na kita.”, sinabi ko habang pilit nya pa din inaabot ang isang malaking tumbler. “Ako na ang kukuha.”, at tinulungan ko na nga syang abutin ang tumbler mula sa mataas na lagayan.

 

Sa di sinasadyang pagkakataon ay dumulas sa kamay ko ang tumbler at natabig neto ang isang babasaging lalagyan. Malalaglagan ang ulo ng ate ng gf ko kaya’t wala na akong ibang nagawa kundi yakapin sya at iharang ang katawan ko para hindi sya mabagsakan.

 

Maige nalang at hindi sya tinamaan. Tumama ang lalagyan sa likod ng ulo ko at tuluyang nabasag nang tumama na ito sa lapag.

 

“Okay ka lang?!”, nag-aalala nyang tanong sa akin.

 

“Oo, okay lang ako.”, agad kong sagot.

 

Di ko namalayan na nakayakap pa din pala ako sa kanya. Damang dama ko ang katawan nya at ang tibok ng kanyang puso. Grabe ang sexy pala talaga ng ate ng gf ko. Kahit nakasuot sya ng jacket ng malaki at ramdam na ramdam ko ang hubog ng kanyang katawan habang nakapulupot at mga braso ko sa katawan nya. Sobrang bango pa nya. Hindi amoy ng pabango ang naaamoy ko, kundi amoy ng isang dalagang babae na talagang hahanap-hanapin mo. Ang sarap sa pakiramdam ng pagkakayakap ko sa kanya.

 

Maya-maya pa at natauhan ako at bumitaw na sa pagkakayakap sa sa ate ng gf ko. Medyo nanlalaki ang kanyang mata at napansin ko na naging mamula-mula ang kanyang mga pisngi. Ang cute nyang tingnan sa mga oras na yun.

 

Para mabasag ang katahimikan, nag biro nalang ako, “Kaso mukang magkaka bukol ako. He he.”

 

“Sure ka na ok ka lang?”, biglang tanong ng ate ng gf ko na tila nawala na din ang pagkakagulat.

 

“Teka, kukuha ako ng yelo.”, at sya ay dumerecho papunta sa ref.

 

Pag balik nya ang may dala syang icebag.

 

“Dun muna tayo sa sala, lagyan natin ng icebag yang likod ng ulo mo.”, paanyaya nya na may kasamang pag-aalala.

 

“Lagot ako sa kapatid ko niyan pag may nangyaring masama sayo.”, dagdag niyang sinabi habang kami ay patungo sa sala.

 

———

 

“San banda tumama?”, tanong ng ate ng gf ko habang nakaupo na kami sa kanilang sofa.

 

Kinuha ko ang ice bag galing sa kanya.

 

“Ako na ang maglalagay neto sa batok ko. Nakakahiya naman sayo. Kasalan ko din naman, padalos-dalos kasi ako kanina.”, pabiro ko kong sabi.

 

“Ano ka ba? Siyempre kailangan ko masiguro kung ok ka lang ba. Hayaan mong ako ang magala sayo. Kundi lagot ako sa kapatid ko.”, sagot nya sa akin.

 

“Parang nabaligtad ang pagkakataon ako a.”, natatawa kong nasabi.

 

“Dapat yata ako ang magalaga sayo kasi ikaw ang may sakit. Kaya nga nakiusap si Ashley sakin na dalhan ka ng pagkain at gamot, dba?” dugtong ko habang medyo natatawa pa din.

 

“Eh magkaiba naman yung may sakit sa pisikal na nasaktan.”, agad nyang sagot sa mga sinabi ko.

 

“Naaksidente ka, mamaya mag ka amnesia ka kasalanan ko pa.” dagdag nya.

 

“Huh?! Sino ka ba? Anong ginagawa ko dito? Anong pangalan ko?”, biro ko sa nagaalalang ate ni Ashley.

 

Hinampas nya ako sa balikat. “Salbahe ka!”

 

“Hahaha.”, napahalakhak talaga ako habang siya naman ay patuloy ang pag hampas at pagkurot sa braso ko.

 

“Pero seryoso, patingin nga.”, at dali niyang inabot ang likod ng ulo ko kung sa parteng nabagsakan. “Kita mo may bukol ka. Lagot talaga ako kay Ashley.”, nagaalala nyang sinabi.

 

Kinapa ko ang batok ko at oo nga, may bukol nga.

 

Dali dali nyang kinuha ang icebag sa kamay ko, at mas lumapit para mailagay ito sa batok ko. Halos ilang pulgada nalang lamang ang pagitan ng aming mga mukha. Naamoy ko nanaman ang masarap nyang amoy, hindi pabango pero nakaka baliw. Isang halimuyak na hahanap hanapin mo talaga. Napa hinga ako ng malalim. At tila napansin ito ng ate ni Ashley.

 

Nagtagpo ang aming mga mata subalit bigla nyang inalis ang kanyang tingin. Napansin ko na parang namula uli ang kanyan mga pisngi.

 

“Oh.”, biglang syang nagsalita. “Hawakan mo na tong icebag.”

 

Grabe ang tibok ng puso ko at pinilit kong hindi manginig ang boses ko sa aking pag sagot.

 

“Sige salamat.”, pilit na pinipigilang manginig ang boses.

 

“Nakakahiya kase sayo, hindi pa ako naliligo. Baka ambaho ko na.”, nagulat ako nang sabihin nya iyon.

 

Di ko alam kung anong sumagi sa isip ko at bigla ko nasabing,

 

“Hindi no, ambango mo nga e.”

 

Nanlaki ang kanyang mga mata at tila mas namula pa ang kanyang mga pisngi. Mas gumanda sya nung mawala ang pusyaw ng kanyang mukha at mapalitan ito ng mamula-mulang tingkad. Shit, ang ganda pala talaga ng ate ni Ashley. Lalo na ngayon at kaharap ko sya. Kitang kita ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Naaaninag ko pa din ang kanyang amoy na nakaka-adik.

 

Bigla syang sumagot na, “Ah kaya pala halos maubos ang amoy ko kanina nung huminga ka ng malalim.”, habang seryoso ang tingin nya sakin.

 

Nanlaki ang mata ko. Di ko alam kung galit ba sya, ni hindi ko din alam kung anong isasagot ko. Natameme ako sa tanong nya at napatitig lang sa kanya.

 

“Uy! Ano ka ba? Biro lang. Natameme ka naman diyan.”, natatawa niyang sinabi sa akin.

 

“Akala ko kasi galit ka.”, mabilis kong naisagot habang ramdam ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

 

“Hindi no!”, natatawa nyang sagot. “Ako nga ang dapat mahiya kasi di pa ako naliligo. Gusto ko na ngang maligo e.”

 

“Kaya mo na ba? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?”, agad kong tanong.

 

“Hmmm, siguro kain muna tayo.”, agad nyang sinabi at naalala kong di pa nga pala siya nakain.

 

Sinamahan ko siyang kumain. Madami dami din kaming napag kwentuhan habang hawak ko ang icebag sa batok ko. Napag kwentuhan namin kung pano kami nagkakilala ni Ashley, kung anong anong tipo nyang lalaki, at marami pang iba.

 

Nung malapit na siyang matapos kumain, nabigla ako sa huli nyang tanong,

 

“May nangyari na ba sa inyo ni Ashley?”

 

Di ako nakasagot agad. Di ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling ako. Kasi sa totoo lang, hindi lang talaga may nangyare samin ni Ashley… marami nang nangyari samin. (he he)

 

“Haha, natameme ka nanaman!”, pabiro nyang sinabi nang matahimik ako.

 

“Hindi mo naman kailangan sagutin yung tanong ko. Nagkukuwento naman sakin ang kapatid ko no. Ha ha ha.”, dagdag nya.

 

“He he…”, nag-aalala kong reaksyon. “Ano naman mga nakuwento ni Ashley sayo?”, hindi ko alam kung gusto ko ba talaga malaman ang sagot.

 

“Secret!”, pabiro nyang sagot.

 

Sadya ko nalang iniwasan ang topic at sinabi ko nalang na,

 

“Ako na mag huhugas ng mga pinagkainan natin.”

 

“Mamaya na yan. Pahinga muna tayo sa sala.”, paanyaya nya.

 

Nang nakaupo na kami uli sa sofa.

 

“Okay na yung bukol mo?”, tanong nya habang papalapit sakin at aabutin ang likod ng ulo ko.

 

Sobrang lapit nanaman nya sakin. Shit.

 

“Hmm. Ambaho ko na yata.”, malakas nyang sabi, inaamoy-amoy ang sarili habang nasa harapan ko.

 

Nakatitig lang ako sa kanya.

 

Bigla niyang sinabi habang nakangiti, “Maliligo na ako, sama ka?”

 

cont…

Share this blog post

Comments (0)